Saturday, March 21, 2009

Maikling kuwento

Ang maikling kuwento - binaybay ding maikling kwento - ay isang maigsing salaysay hinggil sa isang mahalagang pangyayaring kinasasangkutan ng isa o ilang tauhan at may iisang kakintalan o impresyon lamang. Isa itong masining na anyo ng panitikan. Tulad ng nobela at dula, isa rin itong paggagad ng realidad, kung ginagagad ang isang momento lamang o iyong isang madulang pangyayaring naganap sa buhay ng pangunahing tauhan. Si Edgar Allan Poe ang tinuturing na "Ama ng Maikling Kuwento."

Mga uri


May siyam na uri ng maikling kuwento:

  • Sa kwento ng tauhan inilalarawan ang mga pangyayaring pangkaugalian ng mga tauhang nagsisiganap upang mabigyan ng kabuuan ang pag-unawa sa kanila ng isang mambabasa.
  • Sa kwento ng katutubong kulay binibigyang-diin ang kapaligiran at mga pananamit ng mga tauhan, ang uri ng pamumuhay, at hanapbuhay ng mga tao sa nasabing pook.
  • Sa'kwentong bayan nilalahad an mga kwentong pinag-uusapan sa kasalukuyan ng buong bayan.
  • Sa kwento ng kababalaghan pinag-uusapan ang mga salaysaying hindi kapanipaniwala.
  • Naglalaman ang kwento ng katatakutan ng mga pangyayaring kasindak-sindak.
  • Sa kwento ng madulang pangyayari binibigyang diin ang kapanapanabik at mahahalagang pangyayari na nakapagpapaiba o nakapagbago sa tauhan.
  • Sa kwento ng sikolohiko ipinadarama sa mga mambabasa ang damdamin ng isang tao sa harap ng isang pangyayari at kalagayan. Ito ang uri ng maikling kwentong bihirang isulat sapagkat may kahirapan ang paglalarawan ng kaisipan.
  • Sa kwento ng pakikipagsapalaran, nasa balangkas ng pangyayari ang interes ng kwento.
  • Nagbibigay-aliw at nagpapasaya naman sa mambabasa ang kwento ng katatawanan.

Tema [baguhin]

Mayroon mga pagkakaiba ang tema sa mensahe ng isang maikling kuwento. Ang tema ang pangkalahatang kaisipang nais palutangin ng may-akda sa isang maikling kwento. At ang kaisipang ito ang binibigyan ng layang maikintal sa isipang ng mga mambabasa. Maaaring maging mga sumusuno ang tema: palagay sa mga naganap na pangyayari sa lipunan, obserbasyon ng may-akda tungkol sa pag-uugali ng tao, paniniwala sa isang katotohanan o pilosopiyang tinatanggap ng tao sa buong daigdig sa lahat ng panahon, o ang dahilan ng pagkakasulat ng may-akda. Ang mensahe naman ang tuwirang pangangaral o pagsesermon ng manunulat sa mambabasa.

1 comment: