Saturday, March 21, 2009

Aspekto ng Pandiwa

Ang aspekto ng pandiwa (Eng. verb tense) ay tumutukoy sa bahagi ng panahon kung kailan naganap ang isang kilos. Sa mas madaling salita, ito ay tumutukoy kung kailan ginawa ang kilos -- ginawa na, ginagawa pa, o gagawain pa.

Sa dating barirala, mayroon lamang tatlong aspekto ng pandiwa. Sa makabago, apat na. Ito ay ang:

1. Perpektibo / Pangnagdaan - ang kilos ay tapos nang ginawa
(hal. kumanta, nagsayaw)

2. Perpektibong Katatapos - ang kilos ay bago lang natapos
(hal. kaaalis, kahahanap)

3. Imperpektibo / Pangkasalukuyan - ang kilos ay tuluyang ginagawa pa
(hal. kumakain, sinasabihan)

4. Kontemplatibo / Panghinaharap - ang kilos ay gagawin pa sa hinaharap
(hal. magsusulat, liligawan)

No comments:

Post a Comment