Saturday, March 21, 2009

Maikling Kwento ng Kababalaghan

Maikling Kwento ng Kababalaghan


naalala ko yung pinsan ko sa lucena, kuwento niya sa amin. One time daw naiwan lang siya mag-isa sa bahay nila, yung silong ng bahay nila ay dating bakante lang pinagawa namin yun nung balak ng mader dear ko na manirahan sa lucena... bale mataas lang kasi ang pagkayari doon sa bahay kaya ng magawa ang ibaba ng bahay eh mababa ang kisame, pag nasa 6 feet na ang tao nakayuko na siya... ganon kababa kaya maliwanag mong maririnig ang mga pag-uusap mula sa salas hanggang sa mga kuwarto nila sa itaas ng bahay nila.

Yun nga nasa taas ang pinsan ko nag-iisa, mga kapatid niya wala pa dahil nasa school at ang parents niya naman lumabas nga. Then may narinig siya nag-uusap sa baba, narinig daw niya si Tiya Baby (nanay niya) sabi sa sa tatay niya, magpahinga ka na muna jan sa sofa at maghahanda lang ako ng hapunan... yun ang narinig niya tapos biglang tumahimik... then bumaba daw siya pero nagulat siya kasi walang tao sa baba ng bahay nila at wala sa kusina ang nanay niya... wala din sa sofa si Tatay niya. Sabi niya kanino kayang boses yung narinig ko? kaboses ni inay.. sabi ni Allan... so pasok daw ulit siya sa kuwarto niya... wala pang 30 minutes... may nagbukas daw pinto sa baba then bumaba naman siya para tingnan kung sinong dumating.. ngayon narinig niya nanay niya sabi sa tatay niya, magpahinga ka na muna jan sa sofa at maghahanda lang ako ng hapunan... kinilabutan daw siya, kasi ganun na ganon daw yung eksenang narinig niya ang kaibhan lang daw eh nakita at narinig niya mismo sa harapan niya...


3 comments: